Hinimok ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sumunod sa health protocols.
Ayon kay Duque, dapat sundin ang ipinatutupad na minimum public health standards katulad ng pagsusuot ng face mask.

Aniya naging epektibo ito sa mga pagtitipon kung saan hindi ito nag-reflect sa dami ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Samantala, nakatakdang gawin ang oath taking ceremony ni Marcos sa darating na ika-30 ng Hunyo na gaganapin sa National Museum. (ARGIE ERGINA)