Inihayag ng World Health Organization (WHO) na umabot na sa mahigit 3,400 ang kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Ayon sa WHO, may isang naiulat na nasawi sa naturang sakit at karamihan umano sa mga tinamaan nito ay mula sa Europa.

Nasa 1,310 ang mga bagong kaso na naitala nitong ika-17 ng Hunyo ngayong taon kung saan kabilang ang 8 bagong mga bansa.
Samantala, nag-aalala naman si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa nasabing outbreak. (ARGIE ERGINA)