Duque, dismayado sa tila pagbabalewala ng Kongreso sa paliwanag ng DOH

Nagpahayag ng pagkadismaya si Health Secretary Francisco Duque III sa tila dismissal umano ng Kongreso sa justification ng Department of Health kaugnay sa delayed na pagpapalabas sa risk allowances at benepisyo ng mga medical workers.

Kaugnay nito, umaasa si Duque na maipapaliwanag ito ng maayos sa isasagawang imbestigasyon ng mga mambabatas para doon na magkalinawan dahil paulit-ulit umano itong inuungkat.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Para sa kalihim, tila lumalabas umano dito na hindi nakikinig ang kabilang kampo sa kanilang paliwanag.

Sa gitna nito, muling binigyang diin ni Duque na ang lahat ng naturang allowances na kinukuwestiyon ay well-documented at ang pondo para dito ay hindi lang naka-tengga sa Health Department.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Paliwanag nito, ang lahat ng DOH regional offices ang in charge ng pagdownload sa pondo papunta sa mga ospital, at ang mga hospital chiefs na ang inatasan na magbigay ng bayad sa kanilang medical frontliners. //MHEL PACIA-TRINIDAD