Dismayado si Health Secretary Francisco Duque III mula sa mga alegasyon ng korpasyon na muling ipinalutang ng ilang senador.
Pero ayon kay Duque, laging handa ang kaniyang ahensya para sa kahit anong imbestigasyon.
Inihayag ito ni Duque matapos tukuyin ng ilan senador ang Department of Health bilang starting point ng gagawing probe kaugnay sa umano’y katiwalian sa ilalim ng kasalukuyang adminsitrasyon.
Iginiit ni Duque na magiging handa ang DOH sakaling ito ay mangyari.

Binigyang diin ng naman ng kalihim na laging naging transparent at cooperative sa auditing efforts sa loob ng gobyerno ang DOH.
Anya, kahit napanghihinaan sila ng loob mula sa mga walang basehang akusasyon mula sa mga opisyal ng gobyerno, ay handa silang i-submit ang kanilang mga sarili sa inquiries ng mga senador, bilang bahagi ng checks and balances sa loob ng gobyerno.
Binigyang diin ni Duque na lagi naman siyang nagsisilbi bilang kampeon ng good governance, habang naging transparent naman ang DOH pagdating sa pag-u-utilize ng pondo.
Matatandaan noong Lunes ng gabi ay hinamon ng Pangulo ang ilang senador na tukuyin ang mga ahensya ng gobyerno na sangkot sa korapsyon bilang reaksyon sa akusasyon na tatlong beses na mas malala ang katiwalian sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.