Inakusahan ng dalawang suspek na sangkot sa pagdakip sa tatlong indibidwal sa Santa Cruz, Manila, ang mga pulis bilang nasa likod ng naturang krimen.
Nasa ilalim na ng kustodiya ng National Bureau of Investigation ang dalawang suspek na naaresto noong June 8 sa isang police operation sa Batangas.
Sinabi ng isa sa mga suspek na itinuturo niya sa mga pulis ang mga subjects na pwede nitong huliin,
Ipinunto ng suspek na walang magawa ang mga pulis kung wala silang assets.
Iginiit ng suspek na sinasama sila ng mga pulis sa mga operasyon, upang sila ang magsilbi bilang font nila sa mga operasyon upang hindi sila mapag-initan ng mga tao.

Nitong Abril ng kasalukuyang taon, ay nasa kalsada lamang ang tatlong lalaki na sina Rexcell John Hipolito, 23-anyos, Ronald Jae Dizon, 21-anyos, at Ivan Serrano, 18-anyos, nang sila ay lapitan ng walong gunmen at pinilit na sumakay sa isang kotse.
Inihayag ng mga suspek na ang mga pulis ang nasa likod ng pag-kidnap sa tatlong indibidwal, na sangkot umano sa kalakaran ng marijuana.
Ipinunto ng mga suspek na huli nilang nabalitaan na patay na ang tatlong biktima.
Ayon sa isang suspek, pinagsisisihan niya ang kaniyang pagkakadawit sa kaso, at ngayon ay nais niya nang ikwento ang lahat ng kaniyang nalalaman.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng NBI ang kaso, habang nalagay na rin ang dalawang suspek sa ilalim ng witness protection program ng Department of Justice.
Tumanggi naman ang Public Information Office ng Philippine National Police na magkomento tungkol sa isyu.