CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng Livelihood Seeding Program- Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP- NSB) ang Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office sa bayan ng Paracale at Mercedes noong nakatalikod na linggo.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng mga Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng mga Negosyo Center.
Nasa tatlumput pitong existing at potential Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang nakilahok sa Barangay Manguisoc, Mercedes.
Sa bayan naman ng Paracale ay nasa tatlumpung existing (MSMEs) ang nakilahok sa Barangay Poblacion Norte.
Kasama sa aktibidad ang orientation sa mga programa ng Negosyo Center at seminar patungkol sa pagsisimula ng negosyo.
Ang LSP- NSB ay isang programa ng DTI na layong mailapit sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ahensiya at LGU’s na magbibigay daan sa mas malawak na maabot ng business development assistance.
Kabilang sa programa ay ang individual package ng livelihood kits na makakatulong sa apektadong indibidwal na maibalik at mapalago pa ang kanilang negosyo sa panahon lalu na ngayong nahaharap ang lahat sa krisis na dulot ng COVID- 19.
(Photo courtesy of DTI Camarines Norte official FB page)
