Vaccination team ng PHO tinungo ang dalawang eskwelahan sa lalawigan noong weekend para magbakuna sa mga guro at estudyante

CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ang paggulong ng bakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte kahit weekend upang mapabilis ang pag abot ng herd immunity at bilang paghahanda na rin sa pagbubukas ng face to face classes.

Noong Sabado tinungo ng vaccination team mula sa Provincial Health Office sa pamumuno ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco katuwang ang mga nurses ng PNP ang Camarines Norte State College.

Aaabot sa mahigit 300 mga estudyante ang nabakunahan.

Nitong Linggo naman ay tinungo ng grupo ang Mabini Colleges para magsagawa rin ng pagbabakuna sa mga estudyante, faculty at staff.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Francisco nasa mahigit 250  ang nabakunahan sa naturang eskwelahan.

Magkakaroon uli ng bakunahan sa naturang eskwelahan sa November 28.

Bago ito, ay daan- daang estudyante rin ng Camarines Norte School of Law at Our Lady of Lourdes College ang nabakunahan noong Biyernes.

Target ng Commission on Higher Education CHED na mabakunahan ang 90 % ng faculty, staff at estudyante ngayong Disyembre bilang paghahanda sa pagbubukas ng limited face to face classes.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kung maalala ay pinayagan  ng Inter- Agency Task Force ang  pagsasagawa ng face- to face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 to 3.

Ang Camarines Norte ay kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Ang mga kondisyon ng pagsasagawa ng face to face classes ay dapat 50 % indoor venue capacity at walang pagtutol mula sa Local Government Unit.

Kailangan din na fully vaccinated ang teaching and non- teaching personnel at estudyante.