Mahigit sa isang milyon, natanggap ng isang sumukong rebelde sa Palawan – DILG MIMAROPA

Nasa Palawan umano ang dating rebelde na nakatanggap ng malaking halaga matapos na sumuko sa mga awtoridad ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa Kapihan sa MIMAROPA sinabi ni DILG Regional Director Karl Ceasar Rimando, na tumataginting na 1.6 milyon ang natanggap ng isang babae na dating rebelde at nagbalik loob sa goberno sa Palawan.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ito ay dahil sa mga baril na isinuko nito kasama na ang cash assistance ng pamahalaan.

Paliwanag ni Rimando, na ang bawat rebelde na sumuko ay makakatanggap ng halos P90,000 na Livelihood Cash Assistance at idodoble rin umano ang presyo ng baril kung isusuko ito sa mga awtoridad.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Halimbawa nito, kung ang isang caliber 45 ay nagkakahalaga ng P50, 000 doble dito ang matatanggap ng sumuko kung isusurender niya ito sa PNP.

Samantala, mas malaki umano ang matatanggap kung mas maraming baril ang isusuko ng rebeldeng magbabalik loob sa pamahalaan.