DTI – nakipag-partner na sa iba’t ibang sektor at mga grupo para sa implementasyon ng vape law

Nagsagawa ng training programs ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang lugar sa northern Luzon at Muslim Mindanao upang matiyak ang kamalayan hinggil sa vape law.

Ito ay sa tulong ng regional offices, non-governmental organizations, at mga businesses.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ayon kay DTI Secretary Fred Pascual, sa pamamagitan ng hakbang na ito, napananatili ng DTI ang commitment nito sa kapakanan ng mga konsyumer at fair trade.

Sinabi naman ni DTI-FTG supervising head and assistant secretary Agaton Uver – na kasabay ng mga efforts para sa epektibong pagpapatupad ng Vape Law, kailangan ding maging handa o ‘equipped’ ang enforcement teams sa nararapat na mga skills at makabagong kaalaman.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa huli, kumpyansa ang DTI chief na malalabanan ng bansa ang paglaganap ng vape products sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.