DTI maghihigpit na sa safety markings ng vape products

CAMARINES NORTE – Maghihigpit na ang Department of Trade and Industry sa safety markings ng vape products matapos ang transitory period ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Naging epektibo simula nga nitong June 5, 2024 na dapat ay mayroon nang safety markings ang mga ibinebentang vape products batay na rin sa Department Administrative Order ng ahensiya na isa sa inatasan na ipatupad ang probisyon ng naturang batas.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni DTI Camarines Norte Consumer Protection Division Head Gary Rafanan na mayroong Kalasag Task Force ang ahensiya na iikot sa mga lalawigan para hulihin ang mga lumalabag sa safety markings.

Gayunman, tumanggi si Rafanan na magbigay ng detalye kaugnay sa gagawing enforcement dahil ito umano ay surprise enforcement para masiguro na fully compliant na ang mga nagbebenta ng vape sa product certification.

Hindi rin umano nagkulang sa pagpapaalala ang DTI dahil bago pa man magtapos ang transitory period ay nagkaroon na sila ng diayalogo sa mga nagbebenta ng vape na dapat ay mayroon itong Import Commodity Clearance (ICC) markings kapag  imported at Philippine Standard (PS)  PS mark naman kapag locally manufactured.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *