5 pang Barangay sa Basud nakatakdang tunguhin ng Comelec ngayong Hunyo para sa satellite voter registration

CAMARINES NORTE – Nakatakdang tunguhin ng Commission on Elections ang 5 pang Barangay sa Basud, Camarines Norte para sa satellite voter registration.

Ngayong araw, June 8 ay tutunguhin ng Comelec ang Barangay Mantugawe sa highway block.

Ang apat na iba pa ay sa River block kung saan naka schedule naman sa June 15 ang Mandazo. Sa June 20 ay sa Angas habang sa June 22 naman ay ang Hinampacan at Taba- Taba sa June 29.

Magsisimula ang pagrerehistro alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon na gagawin sa mga Barangay Hall o sa covered court.

Layon ng satellite voter registration na mas marami ang makapagparehistro nang hindi na kailangang dumayo pa sa opisina ng Comelec sa bayan.

Sa datos ng Comelec nasa 28, 347 na ang registered voters sa naturang bayan pagkatapos ng April 2024 Election registration Board Hearing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *