DTI, ipagpapaliban ang pagtaas ng SRP sa gitna ng ECQ

Ipagpapaliban ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas sa suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin habang nasa ilalim ang Metro Manila at ang iba pang bahagi ng bansa sa pinakaistriktong klaspikasyon ng community quarantine.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mananatiling postponed ang anuman adjustment sa SRP habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Mababatid na isinailalim ang Metro Manila sa ECQ mula August 6-20.

Mula August 6-15 naman ang implementasyon ng ECQ sa Laguna, Iloilo, at cagayan de Oro habang sa Bataan ay inaasahang tatagal ito hanggang August 22.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ng DTI na nirereview nito ang mga requests para sa price hike ng mga pangunahing bilihin dahil sa tumataas na gastos ng inputs ng manufacturers.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa nasabing panahon ay sinabi ni Lopez na hindi maaring lumampas sa piso o 5% ng kasalukuyang retail price  ang anumang price adjustments.

Mababatid na hindi pa rin napapalitan ang SRPs ng mga pangunahing bilihin mula pa noong Setyembre 2019.