DTI-Camarines Sur, sinabing wala pang nakikitang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa probinsya

NAGA CITY—Wala pang nakikitang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga malalaking supermarket at pamilihan ang Department of Trade and Industry o DTI Camarines Sur.

Sa kabila ito ng patuloy na pagsirit sa presyo ng gasolina na madalas ay may epekto rin sa mga presyo ng mga prime commodities sa bansa.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ayon kay Jay Ablan, Provincial Director ng DTI Camarines Sur, base sa kanilang monitoring ay normal pa naman ang presyuhan ng mga gatas, kape, asukal, tinapay at iba pa.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Sapat parin ani Ablan ang supply ng mga pangunahing produkto sa mercado kaya walang dapat na ikabahala ang mga mamimili. Subalit aminado ang opisyal na hindi tatagal ay posibleng makaranas ng bahagyang pagtataas sa presyo ng mga ito dahil narin sa epekto ng patuloy na pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo.