DTI Albay nanawagan sa mga may ari ng Negosyo na magrenew at magrehistro ng pangalan ng negosyo 

LEGAZPI CITY – Nananawagan ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) Albay sa mga may-ari ng negosyo na i-renew at irehistro na ang kanilang pangalan ng negosyo upang maiwasan ang mga legal na implikasyon, at magwawakas pagkatapos ng limang taon.

Ayon kay Noel Bunao, Consumer Protection Division Chief ng DTI Albay, pinagbabawal sa batas na gumamit ng pangalan sa mga transaksyon at mga signage na hindi nakarehistro sa tanggapan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Requirements din sa LGU na bago ka makakuha ng business permit ay registered ang business name.

Aniya, bukod sa Negosyo Centers, maaari ding gawin online ang pagpaparehistro at maaaring tumagal lamang ng 30 minuto.

Ang bayad ay depende sa saklaw at lokasyon ng negosyo. Dagdag pa nito para sa barangay, ang registration ay P200.00. Para sa mga lungsod at munisipalidad, ang P530.00.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Para sa rehiyon na saklaw ang bayad ay P1,030.00 at P2,030 para sa pambansa. Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga online platform.Nilinaw din nito na magkaiba ang business name registration sa business permit.

Ang business permit ay sa LGUs. Ang sa DTI ay pangalan ng establishment, pero requirement ito sa pagprocess ng business permit. Ginagamit din nila ito sa pagprocess sa BIR SSS, Philhealth at transportasyon sa mga bangko.