DTI 12, nagsasagawa ng monitoring sa presyo ng mga school supplies

KORONADAL CITY – BILANG paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2024-2025, nagsimula na ang Department of Trade and Industry o DTI Region 12 ng monitoring sa presyo at supply ng mga school supplies sa rehiyon.

Kabilang sa mga sinuri ng DTI ang presyo ng mga papel, notebooks, lapis, ballpen, crayons at iba pa.

Layon ng monitoring na masiguro na tama at patas ang presyo ng nasabing mga produkto at sapat ang supply ng mga ito. Sa Koronadal City, limang mga establismento ang unang binisita ng DTI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *