1.6 million jobs, nawala sa agri sector dahil sa El Nino at tension sa WPS

Iniulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na milyong trabaho ang nawala sa sector ng agrikultura sa bansa.

Batay sa pinaka huling datos ng PSA, nasa 1.6 million jobs ang nawala dahil sa naranasang El Nino at bagyong Aghon.

Habang naka apekto rin sa mga mangingisda ang nararanasang tensyon sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, binigyang diin ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng kahandaan ng bansa at ang suporta para sa mga manggagawang apektado ng sakuna at mga kalamidad, lalo na sa sector ng agrikultura.

Gayundin ang pagpapabuti sa forecasting capabilities at pagbibigay ng livelihood support program sa panahon na merong sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *