SOX, inaasahan na maging Top Corn Producer

KORONADAL CITY – INAASAHAN ngayon ng Department of Agriculture o DA-12 na maging top corn producer ang SOCCSKSARGEN Region ayon kay Regional Director Roberto Perales. Ayon kay Perales, pabor para sa mga magsasaka ng rehiyon ang takbo ng panahon gayundin ang pagpapaibayo ng agricultural-practices.

Binigyang importansya rin ng opisyal ang income at profit ng mga magsasaka sa pagtulong sa mga ito na maibenta ang kanilang produkto ng mais sa mga merkado. Dagdag ni Perales, na mayroon ng mga negosasyon na isinagawa sa mga negosyo para sa mga magsasaka sa layuning maabot ang price price fluctuations.

Dagdag nito na ang target na mahikayat ang maraming mga tao na magbalik sa pananim upang masiguro ang pagdami ng corn production sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *