Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na patuloy silang makakatanggap ng suporta mula sa mga local government units (LGUs).

Bukod dito, makakatanggap din ang mga naturang beneficiaries sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.
Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga bagong benepisyaryo ng 4Ps ay pormal na ieendorso sa kani-kanilang lokal na pamahalaan, kasama ang dokumento na magsilbing gabay ng Local Social Welfare and Development Office sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo na maaaring kailanganin ng mga pamilya.
Dagdag pa ni Lopez, nagsasagawa ang DSWD ng reassessment process para kumpirmahin ang status ng mga 4Ps beneficiaries na nasa listahan ng mga hindi kwalipikado, bilang tugon sa apela ng iba pang mga benepisyaryo. // Yanaley Balaquiot