Iginiit ni Senadora Grace Poe na kinakailangang maging all out nga pamahalaan at ng mga telecommunications company para mag-sign up ang Subscriber Identity Module (SIM) users sa harap ng nalalapit deadline ng sim registration sa July 25, 2023.
Ang pagpaparehistro ng SIM ay makatutulong upang makaiwas ang publiko mula sa fraud and exploitation na talamak pa rin hanggang ngayon.
Ayon kay Poe, habang pinagsusumikapan ang digitalization goals tulad ng pagbabayad at ng iba pang mga transaksyon, mahalaga ding ang mensahe ay nagmumula sa isang lehitimong source kumpara sa hindi rehistradong SIM.
Sinabi ng Senadora na hindi dapat magpabaya ang mga kinauukulang ahensya laban sa mga scammer at manloloko kahit mahigit 100 milyong SIM users na ang nagpatala.
Dagdag pa niya, dapat solusyunan ang mga suliranin sa pagpaparehistro, lalo na sa mga gumagamit ng SIM mula sa malalayong komunidad, matatanda, at persons with disability (PWDs). //Yanaley Balaquiot
