Mahigit 80,000 FFPs, handa na para sa mga evacuees – DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang mahigit 80,000 na mga family food packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga isinailalim sa mandatory evacuation dahil sa sitwasyon ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon sa ahensya, nasa kabuuang bilang ito na 84,928 FFPs na naka-preposition sa iba’t ibang warehouse sa rehiyon at kabilang dito ang sa Camalig, Albay.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dagdag pa rito, mayroon ding kabuuang 52,829 non-food items at kits na ipapamahagi.

Sa ngayon, nakipagtulungan na ang DSWD Bicol sa paghatid ng 21,000 FFPs sa Camalig warehouse.