Nagbabala muli ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 3 sa publiko na mag-ingat sa mga scammer sa text.
Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang kagawaran na mayroon na namang mga scam na nanghihingi ng personal na impormasyon ng publiko sa pamamagitan ng texts at emails sa rehiyon.
Dahil rito ay nilinaw ng kagawaran na hindi nito kinikilala ang mga text na mula sa mga numerong 0920-713-7311 at 0931-762-2808.
Samantala, nagpaalala pa rin ang kagawaran na hindi sila gumagamit ng text at email sa pagkalap ng impormasyon at sa mga lokal na pamahalaan lamang laging nakikipag-ugnayan sa pagtupad ng mga programa at serbisyo.//Arjay Supe-BNFM OLONGAPO
