Agad nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros province.
Batay sa ulat ng DSWD as of 6am, nasa halos 49 million pesos na halaga ng tulong ang naipamahagi ng ahensya, para sa mga residente ng walong barangay na naitalang pinaka apektado ng pag aalburoto ng bulkan.
Sa ngayon tuloy-tuloy ang ginagawang repacking ng DSWD Visayas ng mga family food packs.
Meron pang mahigit 2.7 billion pesos na halaga ng relief assistance ang DSWD at may standby fund na mahigit 300 million pesos.
Maliban dito, naka online na rin ang DSWD Mobile Command Center Truck ng Central Visayas.
Meron itong state of the art satellite internet, large powerbank, at dalawang set ng generator na maaaring gamitin bilang source ng power supply at internet connection.
Patuloy naman ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno habang nasa Alert Level 2 ang bulkan.