Tatlong mga scenarios – binabantayan ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon matapos ang naitalang phreatic eruption kahapon

Patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS ang galaw ng #KanlaonVolcano, matapos ang naitalang isang eruption kagabi na tumagal ng anim na minuto.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol – tahimik sa ngayon ang bulkan pero binabantayan pa rin nila ang tatlong mga posibleng scenarios.

Una rito ay ang muling pagkakaroon ng phreatic eruption.

Ikalawa ay kung sakali mang lumala pa ay magkaroon na ng magmatic eruption.

Ang ikatlo naman ay mag-decline na ang aktibidad ng bulkan, at ibalik na ito sa alert level 1.

Sa huling bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang 797 na toneladang naibuga na sulfur dioxide na may 5,000 metro ang taas.

Nakapagtala rin sila ng 43 na mga volcanic earthquakes.

Sa ngayon – mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone (PDZ).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *