DSWD Bicol, pinaghahandaan na ang posibleng epekto ng La Niña

BNFM BICOL – NAKA-preposition na ang iba’t ibang mga relief item ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol bilang paghahanda sa posibleng epekto ng La Niña at iba pang kalamidad.

Ayon sa ahensya, simula ng pormal nang ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng rainy season o tag-ulan, kanila na rin umanong sinimulan ang paghahanda kung sakaling magkakaroon ng La Niña phenomenon. Sa kasalukuyan, mayroon nang aabot sa mahigit 190 million pesos na halaga ng food packs at non-food items nan aka antabay sa ibat ibang mga syudad at bayan sa rehiyon. Patuloy rin ang pag-identify samga LGUs upang lumagda sa MOA kaugnay sa stockpiling ng mga relief items. Kapag umano mas malapit ang stockpiles at mas magiging madali ang pag-dispatch nito kung sakaling mayroong mangailangan sa isang particular na lugar.

Sa ngayon, patuloy rin ang kanilang monitoring sa mga river basin at fllod-prone areas gayundin ang pakiki ugnayan sa mga response agencies para malaman kung kailangan ng kanilang interbensyon.  ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *