DSWD-Bicol nilinaw na hindi lahat ng nakapagparehistro on-line  ay kwalipikado na sa  educational assistance; mga Sorsoganon na nakatanggap ng asistensya noong Sabado mahigit 1K

SORSOGON CITY – Hindi ibig sabihin na dahil nakapagparehistro on-line ay kwalipikado na sa educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ang binigyang diin ni DSWD-Bicol Public Information Officer Marygizelle Mesa.

Paliwanag ng opisyal,  ito’y dahil dadaan pa rin sa screening ang mga aplikanteng nakapagparehistro.

Aniya, kahit ang mga nakatanggap na ng confirmation message mula sa kanilang ahensya ay posible pa ding madiskwalipika sa mismong araw ng pay-out lalo na kung ang mga impormasyon na kanilang idineklara sa kanilang pagrehistro on-line ay hindi tugma sa kanilang mga bitbit na requirements.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kaugnay nito apela ng opisyal sa publiko na kung sa tingin ng mga ito ay hindi naman sila kwalipikado para sa nasabing asistensya ay huwag nang magparehistro upang hindi na umano makadagdag pa sa congestion ng mga nagrerehistro online.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, umabot sa 1,169 na mga student beneficiaries sa lalawigan ng Sorsogon na katumbas ng P3, 867, 000. 00 ang nakatanggap ng nasabing financial assistance noong Sabado August 27, 2022 habang 5,871 na mga benepisyaryo naman sa buong Rehiyong Bicol ang nabenepisyuhan nito o katumbas ng P18, 206, 000. 00