Bantay sa mga resort sa Naga, inilatag ng SWMO para maiwasan ang pagtatapon ng mga basura

NAGA CITY – Maglalagay na ng mga personahe ang Solid Waste Management Office sa mga pampublikong resorts sa upper barangay ng Naga City na siyang sisita at  magpapaalala sa mga ekskursiyonista hinggil sa tamang pagtrato ng mga basurang dala nila,tulad ng mga plastic,bote at mga papel para maiwasan ang pagtapon nito at huwag itambak kung saan-saan.

Sinabi ni SWMO head Engr. Joel Martin,na isa akosyon nila matapos na makarating sa kanilang kaalaman ang na ipost na tambak ng basura sa pampang ng Inarihan river sa Barangay Carolina na nakakuha ng atensyon at sari-saring komento mula sa netizens na kanilang ikinadismaya,anya’y hindi na dapat pa itong maulit.

Paniniyak ni Martin sa Brigada News Fm Naga na regular na makikita ang mga personahe nila bukod pa din sa paghahakot ng mga basura sa mga lugar ng kanilang garbage truck para matiyak na malinis ang mga resorts ng lungsod na ngayon paboritong puntahan ng mga naghahanap ng preskong lugar,ngayong napakainit ng panahon.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *