Driver ng PNP van na tumakas matapos sitahin sa pagdaan sa busway, inalis muna sa pwesto

Nirelieved muna sa pwesto ang pulis na nagmamaneho ng puting PNP Van na tumakas sa mga traffic operatives matapos na iligal na dumaan sa Edsa busway sa Ortigas kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, nagsagawa sila ng sariling imbestigasyon at napag-alaman na liason officer ng PNP Region 10 ang driver.

Maaari umanong maharap sa kasong administratibo ang pulis dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa busway.

Tiniyak naman ni Fajardo na tatalima at pahaharapin nila ang pulis sa patawag ng DOTr.

Muli namang nagpaalala si Fajardo sa lahat ng pulis na hindi basta basta maaaring dumaan sa busway kahit na marked vehicle lalo’t kung wala namang operasyon na rerespondehan.

Matatandaang pasado ala sais kahapon nang parahin nila ang marked vehicle ng PNP sa edsa busway sa ortigas North Bound subalit sa halip na huminto ay nagpatuloy ito ng takbo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *