Driver ng dalawang motorsiklo kapwa sugatan matapos magkabanggaan sa bayan ng Talisay

CAMARINES NORTE- Kapwa sugatan ang dalawang driver ng motorsiklo matapos na magkabanggaandakong 9:05 kahapon ng umaga sa Maharlika Highway, P-1, Brgy. San Isidro, Talisay, Camarines Norte

Nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima ng aksidente na kinilalang sina  sina NIEL SANCHEZ SAN ANDRES, drayber ng Yamaha Mio Sporty na kulay violet, 42 taong gulang, isang PWD at residente ng P-1, Brgy. San Isidro, Talisay, Camarines Norte at si ARVIN RAFER CABAJAR, 23 taong gulang, isang collector at residente ng Purok 1, Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Ayon sa imbestigasyon, sa nabanggit na oras at lugar ng pinangyarihan habang binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni SANCHEZ ang kahabaan Maharlika Highway mula Poblacion, Talisay patungong bayan ng Labo at habang papaliko sa kaliwang bahagi ng kalsada nang aksidenteng bumangga sa likurang bahagi nito ang motorsiklo na minamaneho naman ni RAFER na patungo rin sa parehas na direksyon.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Ang dalawang drayber ay agad na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa agarang lunas.

Ang dalawang motorsiklo kasama ng mga dokumento nito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.