Inilunsad ng Pampanga provincial government ang drive-thru para sa mga nais magpa turok ng booster shot ng COVID vaccine.
Inilagay ito sa mga dalawang isolation facility na matatagpuan sa bayan ng Lubao at Mexico.
Kailangan lang na magpa register online at dalhin ang photo copy ng vaccination card.
Kaugnay nito karamihan naman sa mga Cabalen ang ikinatuwa ang naturang set-up dahil di hamak na mas convenient umano ito kumpara kung pupunta sa vaccination site.
Samantala plano rin ngayon ni Governor Dennis Pineda na maglagay na rin ng mga drive-thru vaccination sa bawat LGU.
