NPA na most wanted sa batas, arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos na hainan ito ng warrant of arrest sa kasong kinakaharap sa Brgy Sta Barbara, Bulusan, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Ruben Tamtam Estremadura alias ‘Toty/Oscar’48-anyos, may asawa, magsasaka at umano’y miyembro ng Platun 1, Larangan 1, komite Probinsyal 3 at residente ng Purok 6, ng nasabing barangay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang akusado ay itinuturing din na No. 7 most wanted person ng Bulusan Police.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 54 sa kasong Murder na walang itinakdang piyansa.

Nakadetene na ang akusado sa himpilan ng Pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa kanyang court of origin.