Drayber ng single motor na nag-counter flow sa kalsada, sugatan matapos bumangga sa kuliglig

Isinugod sa pagamutan ang drayber ng isang single motorcycle matapos itong magtamo ng mga sugat dahil bumangga ito sa isang kuliglig kahapon, ika-17 ng Enero sa National Highway ng Barangay Arellano, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang drayber ng motor na si John Paul Perilino, 29-anyos, residente ng Brgy. Sto Domingo, Quirino, Isabela, habang ang operator ng kuliglig ay si Crisanto Dom Oguen, 35-anyos, magsasaka, at residente ng Brgy. Santos, Quezon, Isabela.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na patungo sa timog na direksiyon ang kuliglig habang nasa kasalungat na direksiyon ang single motor.

Nang marating ang pinangyarihan ng insidente, umagaw ng linya ang single motor dahilan para magkaroon ng salpukan sa pagitan niya at ng kuliglig.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dahil sa insidente, nagtamo ng right leg injury ang drayber ng motor na mabilis namang isinugod sa pagamutan.

Dinala naman ang kuliglig maging ang operator nito sa Quezon PS para sa tamang disposisyon