Road closure signage sa isang kalsada sa Legazpi City, tinanggal na

LEGAZPI CITY – Wala nang aasahang paggsara ng kalsada sa Diversion Road ng Brgy. Bogtong, Legazpi City dahil tuluyan nang tinanggal ang road closure signage na nagdala ng alarma sa mga residente at motorista.

Ito ang siniguro ni Kapitan Armando Toledo sa Brigada News FM Legazpi, kung saan, sinabi nito na pumayag na ang may-ari ng lupa na tanggalin ang nilagay nilang signage kasunod ng sinagawang meeting kahapon kasabay ang ilang tauhan ng lokal na gobyerno, DPWH Bicol, konseho ng barangay at iba pa.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung matatandaan kasi, sa naunang pahayag ni Toledo sa hiwalay naming panayam, sinabi niyang tangi lamang na hangad ng landowner ay ang mabayaran siya ng gobyerno dahil nadamay ang kanyang property o lupa sa kalsada.

Ang kaso lang, hindi naman umano siya napapakingga’t naaaksyunan kahit makailang ulit na itong lumapit sa ilang mga opisina ng gobyerno sa lungsod at lalawigan.

Kaya’t naglagay na lamang sila ng naturang signage at nagbaka-sakaling sa paraang ito ay mapansin sila.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sinabi ni Toledo, sa pulong kahapon, nakumpirama’t naberipika na kanya talaga ang sinasabing lupa kaya’t napagkasunduan at nabigyan ng katiyakan ang landowner na mababayaran ang kanyang lupa basta’t makumpleto ang kinakailangang requirements.

Subalit ang problema na lamang umano ay hindi pa malinaw kung sino ba talaga ang kailangang magbayad sakanya – kung ang LGU, ang PGA, o ang 2nd District Engineering Office.

Samantala, ayon kay Toledo, muli silang magpupulong sa nasabing isyu at kasama si DPWH Bicol Regional Director Virgilio Eduarte upang magkaroon ng kalinawan.