Drag racer sa Puerto, huli; galit na mga residente gusto siyang kuyogin

Nahaharap sa mga paglabag tulad ng Drunk Driving, No Driver’s License, Reckless Driving at iba pa ang nahuli sa pagka-karera ng motorsiklo kamakailan sa Puerto Princesa City.

Habang nagroronda ang mga pulis sa Dagumboy, nakita nila ang tatlong lalaki na nagkakarera ng motorsiklo sa harap ng lumang airport.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Nang habulin ng mga pulis ang isa sa mga lalaki, biglang lumabas ang mga residente at gusto nilang kuyogin ang lalaki dahil sa sobrang ingay at perwisyo na dulot ng drag race.

Nagtakbuhan umano ang mga lalaki, pero nahuli ang isa.

Read More:  Seven people swept away by flash floods in Davao Occidental

Nang bumalik ang driver ng motorsiklo para kunin ito, nahuli siya ng mga pulis at binigyan ng ticket.

Napag-alaman na naka-inom ito at nagsinungaling na pamangkin siya ng isang opisyal, pero nahuli siya sa video na kasali sa drag racing.