DQ case laban sa mag-asawang Rosal sa Albay, unang natapos dahil sa pleadings na agad na nadedesisyunan – COMELEC spokesperson

LEGAZPI CITY – Nagbigay-paliwanag ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa disqualification case na kinakaharap ng mag-asawang Albay Gov. Noel at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal sa kasalukuyan.

Sa isang panayam ng Brigada News FM Legazpi sa tagapagsalita ng komisyon na si Atty. John Rex Laudianco, inihayag niyang unang natapos ang mga kasog ito ng mag-asawang opisyal sa kadahilanang may mga inihaing pleadings na nadedesisyunan na.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, mabilis naman talagang natatapos ang proseso ng mga kaso, kaya lang, mayroong mga naifa-file na mga pleadings, kung saan, ayon umano sa COMELEC rules of procedure, dapat tapusing madesisyunan muna ang pleadings bago ang issue ng petisyon.

Samantala, tiniyak naman ni Laudianco na pipilitin ng COMELEC na desisyunan at i-settle ang mga kaso o petisyong may kinalaman sa nakaraang halalan, katulad ng petition for disqualification at petition to cancel certificate of candidacy.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Siniguro naman nito na ang lahat ng desisyon ng COMELEC tungkol sa mga kaso ng mga opisyal ay nakabatay sa facts o ebidensya at lalung-lalo na sa batas.