LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Daraga ng monitoring sa mga negosyo sa limang barangay sa bayan upang matiyak na may mga permit ang mga ito sa kanilang pagnenegosyo.
Ayon sa BPLO, limang barangay ang ininspeksyon, kung saan iniisa-isa ng mga ito ang kanilang mga dokumento tulad ng business permit, barangay permit, at iba pa.
Kabilang sa mga pinuntahan ng opisina ay ang Brgy. Sipi, Bagumbayan, Ilawod, Gabawan at Kimantong para sa ocular inspection at pagbigay ng notice of violation o notice of comply sa mga nagnenegosyo.
Kasabay din sa kanilang pag-iikot ang pagproseso ng mga business permit, mayor’s clearance, motorized tricycle operator’s permit (MTOP), renewal at iba pa.
Layunin ng lokal na pamahalaan na masigurong ang mga business establishments sa Daraga ay sumusunod sa mga kinakailangan tungkol sa kaligtasan at kalinisan sa bayan.
Sinabi pa ng opisina na ang hakbang na ito ay upang palakasin pa ang income generation sa LGU.