LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Municipal Agricultural Services Office (MASO) ng Daraga at Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PHILMECH) ng monitoring sa mga agricultural machineries.
Ayon kay Meljie Matociños, head ng MASO ng nasabing bayan, nagkaroon ng inspeksyon o pagmonitor sa mga kagamitang pang-agrikultura na ginagamit sa pagsasaka ng mga ilang myembro ng asosasyon.
Kabilang sa mga nakatanggap ay mula sa Busay Farmers Association, Alcala para sa Kauswagan, Inc.; Busay Farmers Association at Bañadero Farmers Association.
Ang mga nabanggit na asosasyon ay nabigyan ng iba’t ibang machineries tulad ng hand tractors, rice reaper, mini thresher, 4-wheel drive tractor, at combine harvester sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng PHILMECH. Sinabi ng opisyal, ang makakatanggap ng mga programa o interbensyon ay kinakailangang accredited sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na programa ng DA – PHILMECH.