DPWH itinigil muna ang patrabaho para sa expansion ng Cory Aquino boulevard

CAMARINES NORTE- Pansamantalang itinigil ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang patrabaho para sa expansion ng Cory Aquino boulevard partikular sa bayan ng Mercedes.

Ito ang kinumpirma nitong Miyerkules sa Brigada News FM Daet ni District Engineer Edwin Bermal sa pamamagitan ng text message.

Ayon kay Bermal nagkaroon ng pagpupulong noong Lunes sa pagitan ng DPWH at Sangguniang Bayan ng Mercedes at bilang respeto umano ay nagpasya ang una na itigil muna ang patrabaho.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Matatandaan na  nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan kamakailan na nanawagan sa DPWH na suspendihin at ipagpaliban muna ang construction ng road at sea wall project sa Brgy. San Roque at Baybay area ng Brgy. Uno.

Ni- require ng SB ang DPWH na magsagawa muna ng public consultation sa nasasakupang barangay at kumuha ng endorsement sa una alinsunod umano sa Local Government Code.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Binigyang diin ng konseho na kailangan ang mga nabanggit na requirements sa anumang programa at proyekto ng national agency sa isang munisipyo.

Maliban sa SB resolution, ay nagpasa rin ng kahalintulad na legislative measure ang Barangay San Roque.