PSA Camarines Norte nangangailangan ng karagdagang tao bilang paghahanda sa paglulunsad ng National ID

CAMARINES NORTE – Nangangailangan ngayon ng karagdagang kawani ang Philippine Statistics Authority (PSA) bilang paghahanda sa paglulunsad ng Philippine Identification System (PhilSys)) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Ma. Dulce Padayao kailangan nila ng nasa 70 tao na magsisilbing Screeners, registration kit operators at registration center supervisor sa iba’t- ibang bayan.

Depende sa pangangailangan ng isang bayan ang kukuning tao.

Ang malalaking bayan tulad ng Daet at Labo ay mangangailangan ng dalawang registration center supervisor habang tig- iisa lang sa sampung bayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pagdating naman sa registration kit operators ay mangangailangan ng pito ang Daet at Labo habang tig- tatlo at mayroong tig- dalawa ang ibang bayan.

Kapwa nangangailangan din ng apat na screener ang Daet at Labo habang tig- dadalawa sa nalalabing sampung bayan.

Sa May 25 na ang deadline ng pagsusumite ng application  sa PSA Provincial Office.

Para sa iba pang impormasyon ay hinihimok ang mga interesado na bisitahin ang official social media account ng PSA Camarines Norte.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang ahensiya kung kailan ang pormal na pagsisimula ng registration proper ng PhilSys sa lalawigan.

Sa katatapos lang na step 1 registration ay nasa 108  na barangay ang na- cover ng PSA at nakapagtala ng 150, 943 indibidwal na nairehistro.

Lagpas ito sa target na 94, 500 na katao na dapat maitala.