Japan, ‘unrivaled’ partner ng bansa sa peace and developement ng Mindanao ayon sa Pangulo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang increased engagement ng Japan sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malasiya- Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) ay ang susi para buhayin ang socio-enonomic growth sa Sulu at Celebes Seas.

Sa phone conversation ng Pangulo at ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ay sinabi niya na ang Japan ay ang “unrivaled partner” ng Pilipinas para sa peace at development ng Mindanao.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Nagpasalamat rin ang Punong Ehekutibo sa suporta ng Japan sa transition process ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan ay mapapakinabangan ng mga mamamayan ng Mindanao ang mga socio-economic development initiatives.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kinilala rin ng Pangulo ang suporta ni Suga sa Build, Build, Build program na tinukoy niya bilang “lasting legacy” na maalala sa loob ng maraming taon.

Iginiit naman ni Suga na ang ilang mga proyekto ng Pangulo gaya ng unang Manila Subway, ay makakatulong para mapagbuti ang kalidad ng buhay at productivity ng mga Pilipino.