Dumepensa ang Department of Public Works and Highways sa pag kwestiyon sa kanila kung saan napunta ang pondo para sa flood control projects ng pamahalaan.

Maalalang ilang mambabatas na ang pinagpapaliwanag ang DPWH hinggil sa usaping ito, matapos bahain ang buong Metro Manila at mga kalapit nitong lugar.
Saad ni DPWH Secretary Manny Bonoan, P250 bilyong pondo ang inilaan para solusyunan ang matinding pagbaha sa bansa.
Iginiit nitong higit 5,000 flood control projects na sa buong bansa ang nagawa ng ahensya sa loob lamang ng dalawang taon, na naging malaking tulong sa mabilis na paghupa ng mga baha sa buong Kamaynilaan.
Samantala, magsasagawa naman ng congressional inquiry sa Kamara matapos malawakang pagbaha sa Metro Manila, kung saan pagpapaliwanagin ang mga tauhan ng DPWH hinggil sa usapin.