LEGAZPI CITY – Mahigit 20 gintong medalya ang naidagdag kahapon sa Youth Division ng Region V sa medal tally sa nagpapatuloy na National Private Schools Athletic Association 2024 sa lungsod ng Legazpi.
Base sa tala ng PRISAA, nangunguna pa rin ang rehiyon sa ranking na umaabot sa 64 gold, 41 silver at 46 bronze; pumapangalawa ang Western Visayas o Region 6 na may 44 gold, 50 silver at 31 bronze, habang nasa ikaapat na ranking ang Region 4-A o CALABARZON na may 41 gold, 26 silver at 25 bronze.
Samantala, bumaba naman kahapon sa ranking ang Bicol matapos itong malampasan ng Region 9 o Western Visayas.
Sa ngayon, nasa Rank 9 ang rehiyon na may 6 gold, 15 silver at 33 bronze, habang pasok na sa finals kahapon ang Team Bicol Region sa Basketball Men Senior Division matapos nitong talunin ang Western Visayas.