LEGAPZI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol na nasa Top 1 ang Bicol Region sa pinakamataas na naitalang inflation rate para sa buwan ng Setyembre sa taong 2021.
Ayon kay Coney Frances Baleda, ang Statistical Specialist ng nasabing tanggapan, sa 17 rehiyon sa bansa ang Bicol Region ang nangunguna sa inflation rate nitong nakaraang buwan kung saan nakapagtala ito ng 6.9%.
Sinundan ito ng Cagayan Valley at iba pang mga rehiyon. Aniya, napapanitili umano ng Bicol region ang highest inflation rate o minsan naman ay nagpapalitan lamang ito sa kanilang rank position ng Region II.
Halos dalawang taon na rin sa panahon ng pandemya na mataas ang naitatalang inflation rate ng Bicol Region.
Paliwanag ng ahensya ang pagtaas ng inflation rate sa nasabing rehiyon ay dahil sa pinakamabilis umano ito magtaas din ng presyo ng mga produkto sa merkado o supermarket.