DOT pinawi ang pangamba sa ‘no-quarantine rule’ para sa mga fully vaccinated travellers

Kumbinsido si Tourism Secretary Bernadette Romula-Puyat sa pahayag ng mga health expert ng gobyerno na ligtas ang no-quarantine rule para sa mga fully vaccinated na biyahero na darating sa Pilipinas.

Ginawa ni Puyat ang pahayag sa gitna ng nakatakdang pagsimula sa pagpapatupad ng no-quarantine policy para sa mga fully vaccinated returning overseas Filipinos (ROFs), sa pasilidad o tahanan.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Hindi na rin gagawing mandatory ang facility-based quarantine para sa ganap na nabakunahan na mga dayuhang manlalakbay mula sa mga bansang walang visa simula sa Pebrero 10, 2022.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Puyat ang kahalagahan ng self-monitoring at pagsunod sa COVID-19 health protocols.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga ROF at international travellers ay dapat magpakita ng negatibong RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras bago umalis mula sa bansang pinagmulan at dapat mag-self-monitor sa loob ng pitong araw mula sa petsa ng pagdating.