Aabot sa labintatlong volcanic earthquakes ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes.
Sinabi ng Phivolcs na ang mga naitalang pagyanig ay tumagal ng hangang tatlong minuto.

Nakasaad din sa bulletin ng ahensiya na nagkaroon ng pagbuga ng volcanic gas sa main crater ng bulkan na umaabot sa 1,000-meter high plumes.
Dagdag pa ng Phivolcs tinatayang nasa 4,829 tonelada ng sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan.
Patuloy naman nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang maaaring mangyari ang steam-driven o phreatic bursts o lindol sa paligid nito.
Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng permanentent danger zone ng Bulkang Taal.