DOT – CALABARZON, inihayag na malaki ang kanilang ambag pagdating sa Tourism Industry Training ng bansa

BATANGAS CITY – Sa ginanap na kapihan sa Bagong Pilipinas katuwang ang Department of Tourism o DOT CALABARZON, inihayag nila na malaki ang ambag ng rehiyon pagdating sa Tourism Industry Training ng bansa.

Ayon kay DOT Regional Director Marites Castro, noong taong 2023 ay umabot na sa 291 na mga programa sa pagsasanay ang kanilang nailunsad at ang katumbas ito ay nasa 12, 039 na kalahok.

Aniya pa, pagdating naman sa Filipino Brand of Service, noong nakaraang taon lamang ay nasa 259 ang kanilang naisulong at umabot sa 10,891 ang kanilang nakiisa dito.

Nabatid na tatlong susunod-sunod na taon ng Overall Most Number of Traning ang DOT CALABARZON at Top 1 Filipino Brand of Service Excellent program Contributor.

Samantala, patuloy naman aniya ang kanilang paglalatag ng mga training para sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *