DOT CALABARZON, inihayag na mas tumaas pa ang pagdagsa ng mga turista sa buong rehiyon

BATANGAS CITY – Sa isinagawang Kapihan sa Bagong Pilipinas katuwang ang DOT, inihayag ng DOT CALABARZON, na mas tumaas pa ang tourist arrival sa buong rehiyon.

Ayon kay DOT Regional Director Marites Castro, mas mataas ang mga dumating na turista ngayon sa buong CALABARZON, kumpara noong panahon ng pandemic.

Aniya pa, napansin umano na nila na dahil ito sa magagandang lagay ng mga kalsada sa rehiyon kaya mabilis na lamang para sa iba na puntahan ang mga tourist destination sa CALABARZON area.

Kabilang umano sa mga dinarayo sa rehiyon ay ang sikat na Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon, Kinabuhayan Pwesto Complex sa Dolores, Quezon, National Shrine of St.  Padre Pio sa Sto. Tomas, Enchanted Kingdom ng Sta. Rosa, Sky Ranch ng Tagaytay.

Samantala, nabatid na ang Tagaytay City ang may pinaka madaming naiambag pagdating sa mga turistang dumayo sa buong CALABARZON.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *