TPLEX Extension project, bunga ng Build Better More program ayon kay PBBM

Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang presentasyon ng pinirmahang concession agreement para sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX extension project.

Inaasahang mababawasan ang oras ng biyahe mula Rosario hanggang San Juan sa La Union mula 90 minuto hanggang 40 minuto.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni PBBM na ang TPLEX Extension Project ay isa sa mga bunga ng Build Better More infrastructure program.

Bukod sa mabilis nitong madadala ang mga turista at mga aktibidad pang-ekonomiya sa hilaga at katimugang bahagi ng bansa.

Inaasahan ring tatatag ang mga value-adding partnerships sa pagitan ng agrikultura, industriya, at turismo sa lugar habang nag-uugnay ng mahahalagang regional corridors at hubs.

Magdudulot rin aniya ito ng malaking bilang ng trabaho at mas maraming oportunidad para sa lahat.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa San Miguel Holdings Corp. o SMHC dahil sa aniya’y pagiging matatag nitong kasosyo ng gobyerno sa loob ng maraming taon at sa pagpapamalas ng magandang halimbawa kung paano maaaring magdulot ng malaking epekto ang pribadong sektor sa pag-unlad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *