DOT Bicol, planong magpakalat TOPCOP sa Albay dahil sa pagdagsa ng mga turistang nagnanais makita ang pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Planong magpakalat ng Tourism Police (TOPCOP) ang Department of Tourism (DOT) Bicol sa lalawigan ng Albay dahil sa pagdagsa ng mga turistang nagnanais masilayan ang pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon.

Ayon kay DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga dumarayong turista sa lalawigan.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Dagdag pa niya, ilan sa mga ito ay photographers na pumupwesto sa mga itinalagang safe-viewing sites tulad ng sa Highlands Park at Tamaoyan sa lungsod ng Legazpi.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Inihayag ni Aguas, nakapagtala sila ng pagtaas ng turismo sa lalawigan na makakatulong sa ekonomiya nito.

Sa ngayon, maganda umano itong pagkakataon dahil nadidiskubre ang lugar ng Tamaoyan at ang kalsada rito na hindi pa masyado dinaraanan ng mga motorista.