NAGA CITY –Nangangailangan ng 900 na mga gurong magsisilbing miyembro ng electoral board of canvassers sa paparating na Barangay at SK Elections sa Oktubre ngayong taon ang COMELEC Naga.
May mga nag apply ngunit kulang pa, ayon ito sa mga pahayag ni Atty. Maico Julia Jr, COMELEC officer ng lungsod kasabay sa pag-anyaya niya sa mga gurong nasa public schools na mag apply na.
Sa pahayag sa Brigada News FM Naga-Naga ni Atty. Julia, sinabi nitong manu-mano ang mangyayaring halalan kaya kailangan nila ng mas maraming magse-served na mga teachers.
Ang bawat cluster precincts ay may tatlong gurong magse-served sa mahigit 400 mga registered voters na aasikasuhin nila sa mangyayaring halalan.
Ayon pa sa COMELEC Officer , ang mga interesado ay sumaglit lamang sa kanilang opisina.
Aniya ang dapat na aplikante ay gurong nasa publis schools, registered voter ng lungsod at prayoridad nilang tanggapin ay dati ng mga nagsilbi sa mga nakaraang halalan.
Sa ngayon, nasa cleansing sila sa list of voters, inaalis ang mga pangalan ng mga namatay na, nag transfer na sa ibang lugar at may dobleng rehistro.