Mga pulis na nagbabantay sa loob ng 6km PDZ ng Bulkang Mayon, aabot na sa mahigit 15,000

LEGAZPI CITY – Aabot na sa mahigit 15,000 ang mga kapulisang naka-deploy upang magbantay sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone (PDZ) sa palibot ng Bulkang Mayon ayon mismo sa Albay Police Provincial Office (PPO).

Mahigpit ang PPO ngayon sa pagpapatupad ng mandatory evacuation sa mga apektadong residente sa loob ng nasabing PDZ upang maiwasan ang kahit anong pangyayari na maaaring maglagay sa kanila sa panganib.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon pa sa tanggapan, ang mga kapulisan ito ay pawang nasa palibot lamang ng PDZ upang mahigpit na magbantay sa sinumang magtatangkang pumasok, o sa mga residenteng babalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Ito umano ay mahigpit nilang binabantayan dahil sa panganib na dala ng pag-aalburuto ng bulkan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sinabi pa ng PPO na kulang pa ang bilang na ito ng kapulisan, dahil naghahanda pa sila para sa augmentation force na mula sa iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas.

Palagi naman umanong nakaalerto ang kanilang kapulisan upang magbigay ng tulong sakali mang tuluyan nang pumutok ang bulkan.